.. at lumipas ang mga araw
at ang mga buwan ay naging taon.

At ang awit ng kalungkutan ay nagpatuloy sa pagtugtog,
pilit na ibinabaon ang pighati at luha…
umaagos at tumatagos sa damdamin at kaluluwa.

Isang patalim na nakasusugat,
tulad ng iyong mga matang
puno ng lungkot at pamumugto.

Tumutupad ako sa aking pangako
na kailanma’y di ka na mamahalin.

Ngunit ang puso ko’y sadyang mapagpaalala
na ako ay mahina at marupok.

… at lumipas ang mga taon.

Ang kalungkuta’y naging kabaliwan.
at sa kabaliwang iyon ay —
katahimikan.

Patuloy sa pagtugtog ang himig.

Kahit kailanma’y di ko inisip na ako’y iyong patatawarin.
Subalit kung ang araw ay dumating
na ako’y iyong hanapin,
sundan mo ang hangin…

patungo sa puntod ko’y tatahakin.